
full image - Repost: Romance or Showmance: Nasan na ang PBB "loveteams" ngayon? (from Reddit.com, Romance or Showmance: Nasan na ang PBB "loveteams" ngayon?)
Mining:
Exchanges:
Donations:
Sorry, mahaba.TLDR: May "Showmance" na term coined in other BB franchises, para sa mga housemates na gumagamit ng "romance" at "love teams" to up their staying game sa Big Brother house. Nagiging strategy na ba siya, so I checked all previous loveteams sa PBB if may instances na ganito.---------------Sa bawat season ng Pinoy Big Brother, hindi lang mga tasks at evictions ang inaabangan ng viewers. Madalas, mas exciting pa ‘yung mga kilig moments sa loob ng bahay. Mapa-regular, teen, o celebrity edition man, laging may nabubuong loveteam na kinikilig ang madlang pipol, at minsan, ‘yun pa ‘yung tumatatak kaysa sa actual winner.Pero real ba talaga ‘yung mga feelings na ‘yun? O parte lang ng strategy para magtagal sa show at makakuha ng fans? Marami sa mga PBB couples na ‘yan, either naging legit mag-jowa after, o biglang nawala na lang parang bula paglabas ng bahay.Sa post na ‘to, balikan natin ang ilan sa mga pinaka-memorable na loveteams sa PBB history at pag-usapan kung alin sa kanila ang mukhang totoo… at alin ang halatang showmance lang.Ano ang Showmance?Ang showmance, o "show na romance," ay common din sa ibang Big Brother versions sa ibang bansa. Sa US at UK versions, madalas din ‘tong ginagamit ng housemates para magtagal sa game o para makakuha ng atensyon ng viewers.Halimbawa:Big Brother US: Sina Jessie at Natalie (BB11) at Alyssa at Kyle (BB24) ay madalas binansagang showmance kasi maraming fans ang duda kung totoo ba talaga ang feelings nila o strategy lang.Big Brother UK: Sina Chanelle at Ziggy (BB8 UK) naging sikat na loveteam sa loob ng bahay, pero paglabas, mabilis ding natapos ang relasyon. Marami ang nagsabing pang-show lang daw ‘yun para sa airtime.Celebrity Big Brother UK: Sina Stephanie Davis at Jeremy McConnell (CBB 2016) nagkaroon ng super intense na showmance—pero naging toxic din ito both sa loob at labas ng bahay, at maraming fans ang nagsisi kung bakit na-ship sila.Sa ganitong cases, mahirap talaga ihiwalay kung alin ang real feelings at alin ang pang-content lang. Pero ang sure, effective silang gawin para mapansin at manatili sa spotlight.Chineck ko yung previous seasons ng PBB sa mga nabuong romantic loveteams at heto yung status nila.SeasonPairingWhat happened during/after PBB?Season 1Cass-UmaWala namang nangyari. Ship lang siya sa Season 1Season 1Sam-SayShip dahil sa kantang 'Magmahal Muli'. Parang di naman nagblossom after the show.Season 1Sam-ChxNaglaplapan sa pool, kaya sinuspend ng MTRCB ang PBB. Hanggang dun lang tbhCelebrity Edition 1Bianca-ZanjoeNaging topic sa PBB CE1 ang blossoming relationship nila Bianca and Zanjoe, pero she was in a relationship with Direk Lino Cayetano that time. Short-lived lang ang kanilang post-PBB relationship.Teen Edition 1Mikee-Kim-GeraldNaging love triangle sa PBB. Ang end game eh Kim-Gerald (Kimerald) na naging highly successful loveteam sa showbiz, on and off camera. Naghiwalay din after a few years.Season 2Mickey-Gee AnnMickey cared for Gee-Ann even while inside the house. Naging sila after PBB, nagpakasal.Season 2Bruce-Wendy VNaging MU inside the house, kahit may girlfriend si Bruce outside. Naging sila after PBB, naging loveteam at nagkaroon ng show, nagpakasal, pero naghiwalay din after a few years.Celebrity Edition 2NAWala. Si Mariel at Ethel at yung season-long task nila na magpalaki at magpaanak ng buntis na baboy ang bumuhay sa PBB season na ito. Ang bland ng casting kahit maraming hunks with Victor, Jon, and Will. Bumili pa ako ng magazine nito tapos parang candy/cosmo lang ang peg. Sayang pera.Teen Edition PlusEjay-PriscillaNagkaroon sila ng romance arc sa loob ng bahay until Priscilla got evicted at naging sadboi si Ejay for a week after. No update outside PBB house. Ejay went to showbiz, now politics. Idk si Prisiclla, nonshowbiz na ata siya.Double UpJason-MelaiI don't think anyone doesn't know about them. Sila ang bumuhay sa edition na 'to because of their romance kahit may karelasyon si Melai sa labas that time. They got married and have children who love their chicken nuggets.Teen Clash 2010James / Bret / Ivan - girlsMagulo itong edition na 'to. Ito yung Tricia vs the world puksaan arc na siya lang ang bukod-tanging nakapagpa-force evict ng dalawang tao. Also the trauma na walang masayadong pumunta sa birthday party mo na naging scarred for life si Tricia? Anyway, everyone was shipping James, Bret, and Ivan with a lot of the girl housemates, I think with Fretzie, Devon, Ann, Jenny. Yung mga "We Love JaVon" or "BretZie forever" ganyan. Wala namang naging result. Nag-pair si james and Nadine and the rest is history.UnlimitedCarlo-Wendy TCarlo and Wendy met as housemates sa PBB Unlimited as Unli-Night housemates. Nagblossom ang relationship nila a bit inside and more outside PBB and they now have a happy family in the US. Ang cute lang ng IG feed nila. Puro family updates at yung modeling career nila sa Amerika as a couple/family.UnlimitedKevin-PamuNaging magkarelasyon pala sila? Hindi ko talaga maalala. Pero nagbreak din sila soon after the show.Teen Edition 4Myrtle-YvesMay crush si Myrtle kay Yves. Pero di niya alam, may jowa si Yves sa labas. Tumugtog ng kanta si Yves inside, inassume ni Myrtle na para sa kanya yun when it was for her girlfriend. Naging first heartbreak tuloy niya (her words).Teen Edition 4Claire-YvesSi Claire ang literal na definition ng pick-me girl dito sa edition na ito. One week pa lang, mahal na niya si Yves. Tapos inaway niya si Myrtle dahil dun. One-sided relationship so walang nangyari. Ganun ba talaga mabilis ma-in love ang mga kabataan? PBBTEENS!All InDaniel-VickieMay something sila sa edition na 'to. Close tapos may moment na hinalikan ni Daniel si Vickie sa noo. Parang pinapasok ng PBB si Jason Abalos to clear things out during this time?All InJoshua-LoisaHeto yung medyo maingay. Tapos nasasali si Jane minsan sa relationship timeline for some reason. Naging magkaloveteam for some time until ABS-CBN paired Joshua with Julia Baretto instead.737Bailey-YlonaParang pinilit ishift dito yung narrative after the Bailey-Kenzo controversy. Tinry ipair sa showbiz pero parang di nagtranslate sa masa power.737Tommy-MihoHeto talaga yung literal na showmance. Pina-ibig si Miho the whole season tapos after ng show wala na sila na parang bula after some time. Tapos ang lakas ng loob niya na puksain si Dawn dahil sa ginagawa nila ni Zeus at pinapaasa lang daw ni Dawn si Zeus? Buti nga nabara ni Dawn. Ayaw kasi ni Tommy masapawan, pero bakit nga ulit naging Adult Big 4 ito???737Dawn-ZeusNagsimula sa sensual na dance numbers with Zeus inside the house na mapapaisip ka kung nagkakamabutihan sila kasi andun yung chemistry nila as a couple. Pero alam ni Dawn na may girlfriend si Zeus (tatlo lang sa PBB house that time may alam - siya, si Zeus, saka si Roger), tapos may boyfriend din si Dawn na alam ng lahat ng housemates. So in a way parang showmance din pero close pa rin sila sa labas?Lucky 7Edward-MaymayNaging close sa bahay. Naship. Naging loveteam material. Pero hindi masyado nagtranslate kasi si Edward hindi masyado kinarir magtagalog kaya nastuck sa paghhosting. Best friends lang daw sila.Lucky 7Marco-HeavenNagkaroon sila ng something inside the house. Hindi sila naging sila at first after the show, pero ngayon sila na yung magjowa. ganda ng feed ni Marco sa IG, puro adventures nila ni Heaven mas maraming nakalagay.OtsoAljon-KarinaNaging close sa bahay. After PBB, naging loveteam. Pero friends lang daw sila.OtsoAndre-LouNaging focal point ng Batch 2 bukod kay Fumiya at Yamyam. Nagkaroon ng drunken kissing controversy sa pool. Naging sila. Nagbreak after more than one year.OtsoGino-KiaraNagkamabutihan while inside the house. Parang hindi naman masyado nagblossom ang relationship after the show.ConnectKobie-AndiLumayag ang ship during the pandemic PBB na nag-aair live sa Kumu. Post-PBB may ligawan stage pero parang hindi din nagblossom after. Andi and Kobie attended the ABS-CBN ball separately so that speaks volumes.Kumunity Season 10KD-AlexaNaging close sila KD and Alexa during Kumunity Celebrity Edition, also a Kumu season. Naging sila during/after PBB. I think sila pa rin until now.Gen11JM-FyangMay aaway sakin sa opinion ko, pero feeling ko dito, honestly, showmance lang ito. Close lang sila. Period. Naging part lang ng game ni JM yung loveteam, and he's fortunate na medyo tinetest sila ngayon ng network kasi may surprising hatak sila sa masa after Gen11.Celebrity CollabDustin-BiancaSadboi tries to up his staying game. Nung una dumikit kay Esnyr to gain public favors (if you think of it parang may instances na same sa ginawa kay Bianca now like pinapaupo si Esnyr sa tabi niya), pero ngayon si Bianca naman ang target. Lumabas lahat ng red flags simula nung pinursue niya si Bianca. May boyfriend ba si girl sa labas? Feeling ko talaga to be very honest, showmance ito on Dustin's part.Celebrity CollabWill-BiancaNagkaroon ng closeness 2 years ago during Unbreak My heart tapings. Rekindled their friendship from scratch inside the house. Nothing more. May girlfriend din si Will sa labas.Celebrity CollabRalph-Kaldero-EmilioNaging masterchef sila bigla sa pagsasaing. Pinag-agawan kasi simula nung pumasok si Emilio, parang nawalan daw bigla ng place si Ralph na sobrang accustomed na sa pagsasaing na siya lagi ang nakatoka.Ang pinaka sure ako na showmance ay yung kay Tommy sa 737, nag-iba na si Tommy pagkatapos ng show. Marami naman ding naging successful ang relasyon sa PBB. Andyan si Melai na livng example, pati si Carlo and Wendy from the same season. Sana wala akong nakalimutan, but do let me know if I missed ppl.
No comments:
Post a Comment